Ang dami palang namatay kasi nalaglag sila sa 28th floor ng building habang nagkakabit ng bintana. Saklap, para silang mga binarbecue na taong nakasabit dun sa mga bakal na sinabitan nila nang mahulog.
Bilib ako sa mga construction workers hindi lang dahil sila ang gumagawa ng mga imprastraktura kundi dahil na rin sa kanilang kasipagan at dedikasyon para buhayin lang nila ang mga pamilya nila. Dalawang daan at animnapung piso katumbas ng isang araw sa ilalim ng init ng araw, pagod ng katawan at pagbubuwis ng buhay? Maliit, hindi ba? Pero anong magagawa nila? Wala. Dahil sila ang nasa pinakababa ng tatsulok, o mga taong walang ibang pwedeng magawa kundi makiayon sa gusto ng nasa taas dahil kailangan nilang kumita kahit na agrabyado sila.
Pero aksidente naman ‘yung kanina, baka okey lang. Baka matatanggap kasi wala namang may gusto. Pero sayang lang kasi sila pa ang kinuha, sila pang may pamilyang babalikan at binubuhay. Napakaswerte ng mga nagsasayang lang ng buhay na binibigyan pa rin ng pagkakataon. Sayang kasi hindi nila naiisip lahat ng naibibigay sakanilang biyaya. RIP para sa mga namatay kanina at sa bus na pinasabog ng mga walang konsensiyang tao.
Hmm, ang swerte ko rin… buhay pa ‘ko.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________tagged as: errr. issue sa buhay. pinas. rant. swerte. kwidaw.
Posted on Jan 27th, 2011 @ 10:15
-
thebrytsyd reblogged this from kwidaw
-
thebrytsyd liked this
-
eeloi liked this
-
starlocked liked this
-
kwidaw posted this
Source: chaotic-utopia
